A song of Childhood

Pagmamahal na Kaya
No'ng unang marinig ang 'yong pangalan
di man lang ito pinapansin
Nang ikaw ay makilala
ito sa akin ay wala pa
Ngunit bakit ngayon ay napakahalaga?
Ngunit ako ay nangangamba,
sa katutuhanang mahal mo ay iba.
Pagmamahal, pagmamahal na kaya ito?
Pag-ibig na nadarama para sa'yo
Pagmamahal, tunay na ba ito?
Kahit alam kong mahal mo ay iba...
Ako ngayo'y naririto
naninibugho't nalilito
sa damdamin para sa'yo
Umiiyak sa mga naririnig
lumuluha sa mga nakikita
Sapagkat ako ay nangangamba
sa katutuhanang langit ka't ako'y lupa
Pagmamahal, pagmamahal na kaya ito?
Pag-ibig na nadarama para sa'yo.
Pagmamahal, tunay na ba ito?
Kahit alam kong mahal mo'y di ako
oh, alam kong mahal mo'y di ako.
Malayo ka, ngunit patuloy paring umaasa.
Mahal kita, nasan ka?
No'ng unang marinig ang 'yong pangalan
di man lang ito pinapansin
Nang ikaw ay makilala
ito sa akin ay wala pa
Ngunit bakit ngayon ay napakahalaga?
Ngunit ako ay nangangamba,
sa katutuhanang mahal mo ay iba.
Pagmamahal, pagmamahal na kaya ito?
Pag-ibig na nadarama para sa'yo
Pagmamahal, tunay na ba ito?
Kahit alam kong mahal mo ay iba...
Ako ngayo'y naririto
naninibugho't nalilito
sa damdamin para sa'yo
Umiiyak sa mga naririnig
lumuluha sa mga nakikita
Sapagkat ako ay nangangamba
sa katutuhanang langit ka't ako'y lupa
Pagmamahal, pagmamahal na kaya ito?
Pag-ibig na nadarama para sa'yo.
Pagmamahal, tunay na ba ito?
Kahit alam kong mahal mo'y di ako
oh, alam kong mahal mo'y di ako.
Malayo ka, ngunit patuloy paring umaasa.
Mahal kita, nasan ka?

